THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, August 27, 2010

Smokey Mountain Photoshoot


This are some of the snapshot in Smokey Mountain
(tambakan and Ulingan)
Some of the kids resting because they helping there Parents
Me and Ate Cha taking a Picture


The Original Smokey Moutain



Tuesday, August 17, 2010

ronalicious

watch this ..!!

Saturday, August 7, 2010

Buwan ng Wika


Video of my friends while dancing "Baile"..
Opening po kasi ng Buwan ng Wika sa school namin ...
Nakakalungkot nga po kasi nawala yung ibang picture na kinuha ko ...
Nag error po kasi at di na mabuksan yung File ..!!
Sayang ang ganda pa naman ng mga kuha ko ..!!
Pero ok lang po kasi meron pong natira ..!!
itong video sa Camera ng classmate ko ...
pero ako yung kumukuha kasi sumasayaw sya eehh ..!!
Happy na rin po ....!!!!

Friday, August 6, 2010

First Edit in Adobe Photoshop

Shocking ..!!
For the first time nakagawa rin ako ng AKO LANG ...
Ang saya ko sobra kasi nung una akong magtry ..!!
wuaaahhh.. nakaka badtrip kasi laging mali ..!!
at wala itong UNDO ..!!
kaya badtrip ako nun ...
pero ngayon marunong na ako ...
at madali lang pala ....
Ito na ang simula ng BAGONG PAG-ASA na maging EDITOR ....
Malay mo pagdating ng araw.. hahahaha :)

Thursday, August 5, 2010

Iingatan ko to ..!!

Success sa wakas mkakahiram na ako ng camera ..!!
Hehehe :) Masaya ako ..!!
Makukuhanan ko narin ang mga gusto kong kuhaan ..!
katulad ng Sunset twing pag gising ko bago pumasok ng school ..!!
Ang saya ko talaga kasi maeexperience ko narin ng ako lang mag isa .>!!
sana akin nalang yun ..!!
tahahaha JOKE lang ..!!
Pero promise ko sa sarili ko na ...
BIBILI ako nun sa takdang panahon ..!!
wuaaahhhh ...:)
Thanks po sa JCI na nag donate ng camera ....!!
At sa Young Focus na always here to guid all the students ..!!!
GOD BLESS you all ...

Wednesday, August 4, 2010

Tired but Happy :)

Sobra po akong napagod nung nakalipas na dalawang araw ..
Ang dami ko po kasing ginawa, sabay-sabay lahat ...
Katulad po sa Values naming subject ..!!
binigyan kami ng report na sobrang dami tapos apat lang kami na mag uulat nun ..!!
at kailangan pagkabukas ay maereport na namin yun lahat ..!!
Meron pa sa Filipino subject namin naman ..!!
Kailangan naman matapos namin gawin ang El Filibusterismo namin na puro design ..!!
limang kabanata ang dapat naming tapusin ..!!
may practice rin kami ng Sabayang Bigkas pagkauwi ..
Pati narin yung sa Math kelangan naming magreview dahil may test kami sa Lesson na ang hirap intindihin ..!!

At ang pinaka mahirap ..
Yung terror kung teacher mag yu unit test kami sa T.H.E ..!!
huhuhu .. Naalala ko tuloy yung sangkatutak na nireview ko dun 
tapos wala naman pala kahit isa sa tenest namin ..!!

Pero ok lang sakin yun lahat-lahat ..!
dahil bilang estudyante kasama talaga yun sa buhay ..!!
na minsan sabay-sabay ang mga dapat mong gawin ..!!
kailangan mo itong paghirapan ..
dahil sa future may kapalit itong GINHAWA!!

Sunday, August 1, 2010

Katakot ...!!!

Kakagising ko lang po ngayon..
napagod po kasi ako sa sobrang damik naming ginawa ngayong araw..
Naglaba po kasi kami at naglinis ng bahay ...!!
sobra po akong napagod.. pero hindi po yun ang nakakatakot ..!!
ang nakakatakot ay yung napanaginipan ko habang natutulog ako .,.!!

Ganito po kasi yun .....
Pauwi daw kami galing kami ng SC (sa yf po yun).
tapos tatlo lang kami .. ako,si Tatay Gerson, at Si Ram ...
Nung malapit na po daw kami sa tulay merong dalawang lalaki ..!!
malayo-layo palang kami napansin ko napo yung dalawang lalaki na prang laging nakatingin sa amin ..
 tapos po nung malapit na po kami dun sa dalawang lalaki meron pong hinagis yung isang lalaki dun sa kasama nya na ice pick ..!!
Nakita din po ata ni Tatay Gerson yun kaya nauna syang nakaiwas ...
tapos dalawa kami ni Ram yung na corner ...!!
nakakatakot po talaga ...
sabi po ng lalaki HOLDAP daw ....
Si Ram yung tinutukan nya ng ice pick ...!!
nagsalita po ako kaagad na "wala po kaming pera,galing nga po kami ng sponsor namin ee ..!!!
Tapos ang hinabaol nila ay si Tatay Gerson kaya naka takbo po kami ni Ram pero hinabol po kami ulit ng isang lalaki na..
Dahil lalaki si Ram mas nauna syang nakatakbo at ako nahuli ... huhuhu
Nakita ko si Ram na lumiko sa isang Van na nakaparada kaya pumunta rin ako doon .. andon din pala si Tatay Gerson na nagtatago at nanginginig...
Edi nagtago din ako .!! pero nakita parin kami nung lalaking holdaper ...
at ako naman ang tinutukan ng ICE PICK .!!!
Wuaaaahhh nakakatakot po talaga yun sobra ...
parang feeling ko mamatay na ako nun ...(wag naman sana) ....
Buti nalang nagising ako dahil naramdaman kong may pumatak na tubig sa mukha ko ...
Yung Tita ko pala yun  bagong ligo at kumukuha sya ng damit kung saan ako natutulog banda ...!!
Nung dumilat yung mata ko sabay tayo talaga ako kaagad ...!!
at sinabi ko kaagad sa Tita ko at Lola ko ..!!
ang sabi ng Tita ko panaginip lang daw yun at kabaliktaran lang daw yung mangyayari ..!!
pero ang sabi ng Lola ko mag ingat daw ako ...!!
dahil maaga daw ako nanaginip ibig sabihin may pahiwatig daw yun ..!!
Maaring may mangyari sa akin o sa isang taong malapit sa akin
Kaya mas lalo tuloy akong natakot ...!!
at naitanong ko sa sarili ko na "Posible kayang mangyari yun o panaginip lang talaga lahat yun???"