THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sunday, August 1, 2010

Katakot ...!!!

Kakagising ko lang po ngayon..
napagod po kasi ako sa sobrang damik naming ginawa ngayong araw..
Naglaba po kasi kami at naglinis ng bahay ...!!
sobra po akong napagod.. pero hindi po yun ang nakakatakot ..!!
ang nakakatakot ay yung napanaginipan ko habang natutulog ako .,.!!

Ganito po kasi yun .....
Pauwi daw kami galing kami ng SC (sa yf po yun).
tapos tatlo lang kami .. ako,si Tatay Gerson, at Si Ram ...
Nung malapit na po daw kami sa tulay merong dalawang lalaki ..!!
malayo-layo palang kami napansin ko napo yung dalawang lalaki na prang laging nakatingin sa amin ..
 tapos po nung malapit na po kami dun sa dalawang lalaki meron pong hinagis yung isang lalaki dun sa kasama nya na ice pick ..!!
Nakita din po ata ni Tatay Gerson yun kaya nauna syang nakaiwas ...
tapos dalawa kami ni Ram yung na corner ...!!
nakakatakot po talaga ...
sabi po ng lalaki HOLDAP daw ....
Si Ram yung tinutukan nya ng ice pick ...!!
nagsalita po ako kaagad na "wala po kaming pera,galing nga po kami ng sponsor namin ee ..!!!
Tapos ang hinabaol nila ay si Tatay Gerson kaya naka takbo po kami ni Ram pero hinabol po kami ulit ng isang lalaki na..
Dahil lalaki si Ram mas nauna syang nakatakbo at ako nahuli ... huhuhu
Nakita ko si Ram na lumiko sa isang Van na nakaparada kaya pumunta rin ako doon .. andon din pala si Tatay Gerson na nagtatago at nanginginig...
Edi nagtago din ako .!! pero nakita parin kami nung lalaking holdaper ...
at ako naman ang tinutukan ng ICE PICK .!!!
Wuaaaahhh nakakatakot po talaga yun sobra ...
parang feeling ko mamatay na ako nun ...(wag naman sana) ....
Buti nalang nagising ako dahil naramdaman kong may pumatak na tubig sa mukha ko ...
Yung Tita ko pala yun  bagong ligo at kumukuha sya ng damit kung saan ako natutulog banda ...!!
Nung dumilat yung mata ko sabay tayo talaga ako kaagad ...!!
at sinabi ko kaagad sa Tita ko at Lola ko ..!!
ang sabi ng Tita ko panaginip lang daw yun at kabaliktaran lang daw yung mangyayari ..!!
pero ang sabi ng Lola ko mag ingat daw ako ...!!
dahil maaga daw ako nanaginip ibig sabihin may pahiwatig daw yun ..!!
Maaring may mangyari sa akin o sa isang taong malapit sa akin
Kaya mas lalo tuloy akong natakot ...!!
at naitanong ko sa sarili ko na "Posible kayang mangyari yun o panaginip lang talaga lahat yun???"