THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, July 17, 2010

FIRST TIME KO..

4th year na pala ako
at  Oras na para umakyat ng stage at
kumanta ng BAYANG MAGILIW handa awit(Lupang Hininrang).
Wuaaahhh ....


Kada umaga bago kami pumasok ng room kailangan muna namin pumila sa ground upang mag
FLAG CEREMONY.
At ang mag lelead ay 4th year by section. So every week iba't-ibang section.
1st week-section one (IV-1)..
2nd week-section two (IV-2)
and 3th week shocks kami na yun (IV-3)...
Bilang isa sa mga officer kelangan kami ang mag lead at isa ako doon ...
Dahil sa hindi ko pa masyadong kabisado ang lahat ng kelangang gawin ...
nagpasya kami na ako ang maglelead ng friday ...
Shocks .. may time para makapag practice.. (happy mode ako dun)..
Kaya sa tuwing wala akong ginagawa ang tanging mo lang na maririnig ko sa bibig ko ay BAYANG MAGILIW HANDA AWIT .....
At hindi ko namalayan na hala huwebes na pala at bukas ako na ang maglelead ..
Grabi pinaghandaan ko talaga iyong araw na iyon and this is the time ...
Shocks daig ko pa ang sasali sa Miss International ang aga ko talaga gumising as in 7 am pasok ko at 2 am palang dilat na ang mata ko..
Sa lahat ng natitirang oras ko ay ginawa ko na ang mga dapat gawin para masabing
"Im ready to face all the student".
At ito na yun..BAYANG MAGILIW handa awit.
shock's pumiyok ako at hindi ko pala alam kung paano ang pag kumpas.
huhuhu ang first time ko ay nakakahiya.
at sa sobrang hiya ko para akong nasusuka iiieeewww ..!!
hanggang sa natapos hindi ko nakanta ng maayos..
Nalungot ako pero pagkababa ko ng stage..




BIG SMILE
at sinabi ko sa sarili ko na.
hindi ito nakakahiya.
This is the one of my unforgettable moment in High School life.